Logo

Jericus De Gamuz: YouTube videos tungkol sa kasaysayan, siyensiya, teknolohiya, astronomiya, at iba pa.

YouTube Facebook X Instagram Messenger PayPal PayHip Ko-fi

VIDEO: Ang "Cuban Missile Crisis" noong Cold War (sa Pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet)

Ang "Cuban Missile Crisis" noong Cold War (sa Pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet)

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa pagsisimula naman ng Cold War noong dekada 40, ang Estados Unidos ay lubhang nababahala sa paglaganap ng komunismo. Para sa kanila, hindi katanggap- tanggap ang pakikipag-alyansa sa Unyong Sobyet ng kahit anong bansa sa Latin America. Kaayon ito ng patakaran nila na tinatawag na Monroe Doctrine na kung saan sila ang dapat na umiimpluwensiya sa mga bansa sa Western Hemisphere.

Pero pagsapit ng dekada 50, sa kalapit na bansa ng Estados Unidos na Cuba ay may nagaganap na rebolusyon para patalsikin ang Presidente nitong si Fulgencio Batista, na isang kaalyado ng Amerika. Ang rebolusyon na kilala sa tawag na Cuban Revolution at pinamumunuan ni Fidel Castro ay naging matagumpay sa mithiin nito. Napatalsik nila si Batista at kaagad nilang pinalitan ng bagong pamamahala ang Cuba na may ideolohiyang komunismo na Marxismo-Leninismo. Paano ito nauwi sa pagkakalagay ng daigdig sa bingit ng nukleyar na digmaan?

Previous Post Next Post